Memories of a Philippine Christmas


DISCLAIMER: This blog is best described as a random compilation of complaints/concerns/realizations i have this Christmas. Kayo na po ang mahanap ng flow of thought sa mga susunod na mga paragraphs. Parang wala eh 🙂 Mula sa kung papaano ko namimiss ang Paskong Pinoy, hanggang sa Pasko ng mga taga Mindanao, kayo na po bahala!

I’m sure that you’ve read my complaints and have seen me whining on my previous status about the atmosphere of Christmas here in Canada. I apologize for my negativity, but it’s really just different here. I really really miss Philippine Christmas 😦

ESPECIALLY AFTER WATCHING THIS VIDEO -.-

Dabest and Paskong Pilipino

(teary-eyed) You just can feel the difference. Ibang iba talaga.

I miss carolling. Yung maiingay yet nakakatuwang mga bata na kakanta sa labas ng bahay mo gabi gabi. Buti sana kung ibang mga bata naman, kaso sila’t sila rin eh. haha Tapos mapapansin mo, patagal ng patagal yung kanta nila paikli ng paikli, hanggang sa dulo ang maririnig mo nalang “Namamasko po”. Heto ka naman, patagal ng patagal, padilim ng padilim yung harapan ng bahay mo. Kapag narinig mo na nasa kapitbahay na yung mga nangangaroling, ipapatay mo na yung ilaw. Patagal ng patagal, paunti rin ng paunti yung inaabot mo sa mga bata, paano kapag nagabot ka ng marami, naku, minuminuto, may nangangaroling sa tapat ng bahay mo. Kaya makukuntento ka na rin kung ang huling linya nila ay, “Tenkyu, tenkyu, and babarat ninyo, tenkyu.” Ikaw naman, “May malaking aso takbo”. O diba, sino ba naman ang hindi mamimiss yung ganitong kasiyahan. Kung dito may magtangkang mangaroling, lalo na sa gabi, ay ewan ko nalang kung makauwi pa sila. Eh maninigas buong katawan mo sa lamig na negative degrees eh!

I miss Christmas parties. December 24 na dito ngaun pero isa palang ang Christmas Party na napupuntahan ko. That is the CLSFM Christmas party [which, i should say was a blast. The best Christmas Party/Evangelism Service ever]. Kung nasa Pilipinas ako, siguro nakasampu na ako. haha Araw araw ba naman may Christmas party eh. Subdivision Christmas Party, School, batchmates, friends, family, church, moms friends, dad’s friends, childhood friends, at lahat ng excuse para magkaroon ng iba pang Christmas Party. Busy ang schedule kapag pasko sa Pilipinas. Sa sobrang busy, di mo na alam kung anung meron bawat araw. Dito sa Canada? Taong bahay. haha wala kang ibang gagawin kundi pindutin yung refersh button sa facebook mo, nakikibalita sa kasiyahan na nangyayari sa mga kaibigan mo sa Pilipinas!

I miss the atmosphere. September palang, ramdam mo na ang pasko sa Pilipinas. Dito, december 23 na, tatanungin mo pa, pasko na ba? Ibang iba talaga. Yung mga magagarbong Christmas Lights sa Pilipinas waw. Dito lahat ng makitang mong may Christmas light sa labas ng bahay, sasabihin mo, “Ay Pilipino siguro nakatira dyan.” Yung kantang mga pamasko na maririnig mo sa bus, sa jeep, sa mall, pati nga sa pedicab eh, hindi mo maririnig dito. Dahil sobrang sensitive sila sa different nationalities and beliefs dito, bihirang bihira ka makakarinig ng Christmas Songs sa mga pampublikong lugar. Malalaman mo lang na pasko na dito kung may makita kang maliliit na puting tuldok na bumabagsak mula sa mga ulap. Yeah masaya nga ang snow [kapag hindi malamig] haha at isa pa palang sign na pasko na ay ang mga flyers na nagsasabing SALE. haha Christmas is a shopping holiday!

And most of all, I miss my family and friends. Ang pasko sa Pilipinas ay panahon kung saan nagkikita ang mga magkakaibigan na hindi nagkita buong taon. Panahon kung saan mabubuo ulit ang buong pamilya. Sabay sabay sa noche buena. Sabay sabay magbubukasan ng regalo pagpatak ng alas dose ng ika25 ng disyembre. Ika nga, reunion period. Kwentuhan, tawanan, halakhakan. Yun bang tipong mapapabulong ka na, “Sana matagal ang Pasko”. Naalala ko tuwing pasko, itatago kami ng lola ko tapos sabay abot ng pabaon sa kamay. Sabay sabi, “wag mong sasabihin sa mga magulang mo”. Syempre kami naman, “Opo lola” kasi kukunin nila eh 🙂 haha oh, gawain mo rin yan. Wag kang painosente. I miss the times when we would just sit down as a family, sing songs, eat, laugh, and pray!

Iba talaga ang Paskong Pilipino. Walang kapantay. Hindi sa puro ako reklamo. I am very very thankful that God has placed us here, and I know that it’s for a greater purpose. You just can’t forget how very very fun Christmas is in the Philippines (its fun here too pero iba pa rin sa Pinas.)

Dabest and Pasko kung nasaan nandoon si Kristo

On a side note, just as i have posted in my Christmas Greeting Blog, still the reason for Christmas is Jesus. Christmas is about our response to Who was given to us on Christmas Day. Christmas is not just about fun. If it was all about fun, how can the people from Cagayan De Oro celebrate Christmas? If Christmas was about carolling, parties, food, gifts, and the Christmas songs, should the people of Iligan even celebrate Christmas? If Christmas was about families and friends reuniting, what about the families of the 1000+ people who got killed by Sendong. Fortunately, Christmas is not just about fun, but about Hope, Peace, and Love knowing that whatever happens in life, there was a God willing to do everything [even to send His Son] for the people He deeply loves.

Alam ko it’s not right for me to complain. That I should just be thankful for the kind of Christmas I am having now. Less distractions, more focused to the Essence of Christmas. Thank God for Christmas and I remember the people of southern Mindanao in my prayers as I celebrate my Christmas this year.

Maligayang Pasko Pilipinas. Hope to see you soon.

Advertisements

One thought on “Memories of a Philippine Christmas

  1. Pingback: Call Me: A Filipino | ALL THINGS RENEWED

What's on your mind?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s