Call Me: Single


PART 1.

Paano ba manligaw? Minsan ko nang naitanong sa sarili ko iyan. Sa totoo lang, hindi ko alam. Pagdating sa larangan ng panliligaw at pagibig, masasabi kong ako ay isang baguhan. Ika nga ng mga computer gamers, “newbie”.

Marami na ang nagtanong sa akin kung may girlfriend na ako at maraming beses ko na rin silang sinagot, “Wala po.” Sabay ngiti. “Pero nagkaroon ka na“, and pahabol ng iba. “Hindi pa rin po“, ang aking matamis na sagot. Tila iba-iba ang reaksyon ng mga taong nagtanong sa akin.

Ang iba gulat at hindi naniniwala. Para bang may mali sa aking sinasabi at ako ay nagsisinungaling lamang. Ang ilan tatanungin pa ang aking mga magulang kung totoo nga ang aking sinasabi. “Baka naman hindi lang alam ni Mommy?” Sabay bulong, “Kahit sa akin mo lang sabihin.” Ako ay natatawa nalang sa ganitong mga sagot.

Ang iba naman natutuwa. At nakikita ko sa kanilang mga mata ang kaligayahan. “Tama iyan anak, magaral ka muna“, sabay sabi sa aking mga magulang, “Ang galing naman ng anak mo ha.” Sa mga panahong ganito, ako’y napapangiti sa tuwa.

Ang iba magrereto.

Ang iba nagtataka. “Bakit?” Iyan ang kalimitan nilang tanong at ang kalimitan kong sagot, “Nagaaral pa po” o di kaya naman “Wala pa po akong trabaho.” Ang nakakatawa pa minsan ay imbis na maliwanagan, para bang lalo pa silang naguluhan. “Talaga lang ha?” Minsan naisip ko, siguro tingin nila sa akin ay nerd, relihiyoso [baka mag-papare?], KJ, hindi marunong makisama, manhid, pihikan, o di naman kaya ay bading. At wala naman talaga akong ibang magawa kung hindi matawa nalang.

Pero bakit nga ba? Ano nga ba ang istorya ng aking buhay pagibig? Ano nga ba ang rason? Ano ba ang aking mga paniniwala at ano nga ba ang pagkakaiba nito sa paniniwala ng ibang tao? Bakit ang iba hindi makapaniwala? Bakit nga ba?

Buhay pag-ibig ba kamo? Well for one, I have my mom and my sister, and I love them so so so so much. I have my family as well. Pero alam naman nating lahat na hindi itong “buhay pag-ibig” ang pinaguusapan natin. Pinagdiriwang sa mundo ngayon ang tinatawag nilang “Valentine’s Day” o ang “Araw ng Mga Puso”. Ang araw kung saan nagliliparan “raw” ang mga pana ni Kupido. Ang tawag ng iba ay “Single Awareness Day”. Pero bakit heto ako nagiisa, walang kahawak kamay, walang kaakbay, walang sumasandal sa aking mga balikat, at walang ka-date. Pang dalawampu’t isang taon ko na itong ngayong taon mula nang ako ay ipinanganak. Tila napakatagal na panahon na hindi ba? Hindi ba ako nalulungkot, nagtataka, o naiiyak sa aking sarili?

Hindi. I am Single and Proud and this is not an excuse. Totoo, ako ay masaya. Napakasaya at kuntento.

Ang aking pananaw sa pag-ibig ay simple lamang, “May tamang oras sa lahat ng bagay.” Ako ay naniniwala na hindi pa panahon para ako ay pumasok na sa isang relasyon ngayon. Ako ay dalawampu’t isang taon pa lamang, kakatapos lamang sa pagaaral [at malamang magaaral muli], wala pang trabaho [wala pang pera], at marami pa akong dapat matutunan [sa gawaing bahay at tungkol sa mga kababaihan]. I also know that I am still not the best man a girl can have. Marami pa akong dapat baguhin sa aking sarili. Marami pa akong dapat matutunan. Sobrang dami pa. Higit sa lahat, marami pa akong bagay na dapat ayusin sa aking buhay Kristiyano. I know I am still mentally, emotionally, financially, and spiritually immature.

Bakit ba ako kailangang magmadali? Hindi ko maikakaila na sa panahon ngayon, hindi ka “IN” kung hindi ka pa nagkaroon ng BF o GF. Ang tawag sa kanila ay NBSB/NGSB. Minsan naitanong ko na sa sarili kong kung bakit hindi ko itry. Wala lang. Para lang masubukan. Out of curiousity at siguro para magka-experience man lang ako. Wala naman sigurong mawawala. Siguro nga sa akin walang mawala, pero paano naman yung girl?

Hindi laro ang pagibig, lalo na ang mga babae. Hindi ito try and fail experiment. Sa aking masusing pagmamatyag sa loob ng dalawampu’t isang taon, isa sa pinakaimportatnteng bagay na aking natutunan ay ito, Women’s Emotions are very fragile and therefore must be kept with care. I wouldn’t want anyone to play with the emotions of my sister or mom. Don’t even try!!! I have high respect for women and over the years, I’ve really been very careful with my actions towards them especially not to send the wrong signals. I hope I did good. Naaalala ko yung word na “Defraud” sa isa sa mga lessons namin sa JFA. Don’t get me wrong, marami akong naging crush. Marami akong naging kilig moments, ang ilan halata, karamihan patago. Pero ni minsan hindi ko sinubukan na manligaw dahil alam ko na ang isang relasyon sa murang edad ko ay hindi magtatagal. Wala itong ibang maidudulot kundi kabiguan. I want my first to be the best. Tulad ng isang sinabi sa lessons namin sa LCM, “God takes love relationships seriously. Very seriously.”

Sa ngayon I am single and happy. Sa ngayon, ako ay magpapakasaya muna bilang isang single kasama ang aking mga pamilya at kaibigan dahil alam ko na ibang usapan na ang buhay sa loob ng isang relasyon. Don’t get me wrong. I know it also full of fun and hapiness but in a different level. Bakit ba kailangan ko madaliin ang aking sarili?

Kung meron isang love story na pinaka gusto ko sa Bible, ito ay ang love story ni Adam at Eve. Adam never struggled to look for a partner. Abala si Adan sa pagpapangalan sa mga hayop. Ni isang pawis o luha, walang tumulo kay Adan. Walang kahirap hirap. He was busy doing what God commanded him to do and “GOD SAW HIS NEED OF A PARTNER”. Kung tutuusin, hindi na nga siya nagpakahirap at nagpakapagod para humanap ng partner, natulog pa siya at pagdilat ng kanyang mga mata, parang isang panaginip at kanyang nasilayan ang pinakamagandang babae na kanyang nakita. Well technically, si Eve ang unang babae. Now that’s what I call Magic.

Balang araw, God will put me to sleep and provide the best Eve for me. Well, I don’t know if He really would but I will follow and obey whatever His will and plan for me is. Hindi ako natatakot, nangangamba, magmamadali, o magpipilit. Sa ngayon, I’ll make myself busy in doing what God wants me to do — in the ministry, in my family, in my work. Most importantly, I’ll busy myself to grow super duper deeper in love with My Jesus.

Instead of looking for the best woman in the whole wide world, I’ll prepare and make myself the best man in the whole wide world for the woman God has in stored for me until He puts me in a deep sleep.

Happy Heart’s Day,
David

Read Part 2.
I know that God has different ways to deal with every person and this is how God has revealed Himself to me. Let me know about your principles and ideas too and maybe I can learn new things from them. Thank you for reading and God bless You.

Advertisements

2 thoughts on “Call Me: Single

  1. Pingback: Call Me: A Man « Call Me

  2. Pingback: Call Me: A Man Without a Woman | ALL THINGS RENEWED

What's on your mind?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s