Call Me: A Man Without a Woman


Part 2.

Kamakailan lang, may nagtanong sa Bible Study group namin kung bakit nga ba hindi tinukso nung Ahas si Adan ng diretso? Kundi ang kanyang tinukso niya ay si Eba. It’s an interesting question that only God knows the answer. Gayunpaman, hindi nagkulang ang aming mga isip na maghalungkat ng mga posible kasagutan at isa sa pinakaintersanteng kasagutan na lumutang ay ganito:

“A way to a man’s heart is through the woman.”

Para gawin simple ang lahat, sabihin na natin na ang kahinaan ng mga kalalakihan ay kababaihan. Sa mundong nilalakaran natin ngayon, mahirap itanggi na ito ay may katotohanan.

Marahil nabasa na ninyo ang aking naunang blog patungkol sa aking mga pananaw sa “love life”, “relationships”, at mga kababaihan.

“May tamang oras sa lahat ng bagay”.

“Women’s Emotions are very fragile and therefore must be kept with care.”

And my life principle on seeking Relationships:”Instead of looking for the best woman in the whole wide world, I’ll prepare and make myself the best man in the whole wide world for the woman God has in stored for me until He puts me in a deep sleep.”

Ilan lamang ito sa mga katagang aking naisulat. To be honest, I am surprised with myself as well, the way I am sharing a very private part of my emotions in these blogs. GOD KNOWS my motives. Ako ay lubos na naniniwala na hindi lamang isang relasyon, isang babae, o isang lalake ang makapagpapasaya sa atin sa mundong ito at na kailangan natin makipagaway o minsan magpakamatay para lamang makuha ito. These we’re among the life principles I’ve been living with over the past years and they will remain to be, all by the GRACE and wisdom that God provides.

Totoo ang lahat ng aking naisulat, gayunpaman, sa loob ng dalawampu’t isang taon nga aking paghingga at pagdilat, ako rin naman ay nagkamali. Ako rin ay lumihis ng landas. Kung minsan panandalian. Kung minsan madalas. Natukso. Nagpatukso. Kumagat sa tukso. God knows my shortcomings. God knows my mistakes. God knows my sins. But I know God, because of His Love and Grace, forgave me when I sincerely repented. He has picked me up every single time, reminded me of the principles He taught me, and pushed me to walk by them again. I am not perfect, but my God is making me pass through the fire, to refine me, and bring out the beautiful gold in me. Sa lahat ng aspeto ng aking buhay, maging sa usapin ng pag-ibig.

Akin ng naikuwento na sa loob ng dalawampu’t isang taon, hindi pa ako nanligaw. Totoo, ngunit hindi ibig sabihin nuon na sinara ko na ang aking mata sa napakaraming nag-gagandahang dilag na aking nakasalamuha. Magsisinungaling ako kung aking sasabihin na hindi ako nagpasikat o nagpa-impress. Tulad ng isang babae, ang lahat ng kalalakihan ay may karapatan rin namang mag-papogi at magpapansin — simple man o may kasamang hangin. Guilty here.

Naalala ko noong high-school years ko, bawat taon sumasali kami sa isang national competition. I experienced going to three conventions (Bacolod, Baguio, and Cebu). I even had the privilige to be in one international convention in Phoenix, Arizona. Every night, mayroong tinatawag na Rally Night kung saan duon ginaganap ang mga awardings, performances, at orientations during the convention. Pero may isang parte ng bawat gabi na pinakahihintay rin ng karamihan. Iyon ay ang pagpapasign ng kanila convention passports. Meeting people from different schools. Ang bawat isa ay may kalayaang lumapit sa kahit sino upang makipagkuwentuhan, magpapirma, at kung minsan magpakuha ng litrato. I can remember two well known ladies now, that every guys wants to have a picture with back then. Sam Pinto and Nikki Gil. I think I had a picture with Sam but I have no idea where they are now. Sayang! Back then, I had to wear my best every night, look good, be impressive, because who knows who I might meet next. haha Nakakatuwa alalahanin ang bawat gabi. Mababaw man isipin pero those memories were among the best I can remember during my high school years. Sure I had a lot of crushes sa conventions, pero kung titingnan ko ngayon, I’m grateful for those moments, hindi dahil sa nagpasikat or nagpapansin ako, kundi dahil sa mga kaibigan na binunga noong mga experiences na yun. Hanggang ngayon, I have close relationships with a lot of people from the conventions.

Magsisinungaling rin ako kung sasabihin ko na wala akong crush. Pag tinatanong nga ako nuon ng “Sino Crush mo?”, and sagot ko “Wala.” haha Abnormal raw ba ako? Defensive instinct ko lang yun. I admire beauty like everyone does. Most of the time I keep it to myself. Minsan, i can’t. haha Naalala ko nuon, nagtataka ako kung papaano nakakaubos ng 300pesos na load ang isang tao sa text sa loob ng isang buwan, UNTIL I did. hahaha Minsan kulang pa nga. Di naman ako makapag-unli kasi hindi ako Sun o Globe. I’m Smart, deal with it! Ganun pala yun noh. Kahit anung text isesend mo basta makapagtext ka lang at magreply sa iyo. Kilig Moments ika nga. Kaya pala nakakaubos ng load at minsan hindi na ako makareply sa mga mas importanteng bagay. Mababaw pero I experienced it as well, like everyone else.

Tulad ng lahat, napagdaanan ko rin ang ganitong mga bagay. Pumorma, nagpasikat, nagpapogi, nagka-crush, nag-ubos ng load, nang-stalk ng profile, nagpapansin, at marami pang nakakatawang kuwento ng aking adventures, pero ito ang mahalaga kong natutunan, hindi pag-ibig ang tawag duon. Infatuation lamang siguro o di naman kaya ay paghanga lamang. Paghanga sa kagandahan, sa angking talento, sa pagiging mabait, sa taglay niyang kagandahan ng puso at kalooban, at sa marami pang kadahilanan. No doubt I enjoyed those times, those feelings, and those emotions, pero hindi ko ito matatawag na pag-ibig.

Sadyang mabigat ang salitang “pag-ibig” at hindi ito isang laro na dala lamang ng pisikal na pagtingin, damdamin, emosyon, o paghanga.  Paghanga na sa pagtagal ay maari ring mawala. Emosyon na dala lamang nga bugso ng pagkakataon at di kalauna’y magbabago rin. Damdamin na kapag nasubukan ng paghihirap ay madali nating isusuko. Pisikal na pagtingin na maari magbago dahil lahat tayo nagbabago ng pisikal. Ang makinis na kutis ay kumukunot, ang matangos na ilong ay napapanggot, ang magandang buhok ay napapanot, at ang maladiyosa o malaherkules na katawan ay lumalapad. Hindi ganyan ang pagibig. Ang tunay na pagibig ay hindi lamang nakatingin sa ngayon kundi sa bukas. Ang tunay na pagibig ay hindi nakatingin sa kung anu ang makukuha mo kundi sa anu ang kaya mong ibigay. Ang tunay na pagibig ay simple ngunit mahirap unawain. Naunawan mo na ba kung bakit kailangan mamatay ni Kristo para sa kasalanan ng buong sanlibutan?

Sabi nila, “Ang pagibig hindi mo alam kung kailan tatama.” Tama nga siguro, pero ganito lang ang sa akin. Ang pagibig, alam mo kung kailan hindi dapat tumama. Hindi habang nagaaral ka pa. Lalong lalo nang hindi kung ikaw ay “emotionally, physically, mentally, financially, at ang mas importante, spiritually immature.” Don’t let Satan deceive you because he has deceived a lot of young people today. Guard your heart. At ang pinaka-importante, you can only show true love by experiencing True Love Himself, Jesus. He is where love all started. TRY HIM FIRST.

Ako? Marami pa akong dapat matutunan at baguhin. Nagkakamali pa rin ako. Naliligaw. Nagmamayabang minsan na alam ko na ang lahat, pero God has a lot to teach me. Sa ngayon, kuntento na ako sa Crush and Admiration. Tao rin naman ako. I enjoy these feelings. Pero ngayon, I subject my emotions to my Ultimate Lover, Jesus. I’ll keep myself busy serving Him with my complete and whole heart, hindi tulad ni Haring Dabid na nagpaiwan sa kanyang palasyo para magkasala lamang. For now, I’ll keep on praying and asking my Dad to give me the grace to control my emotions until His perfect time has come.

For now, call me a man without a woman. Until He [Jesus] comes or IF she comes. Whichever comes first!

Happy Heart’s Week!

I know that God has different ways to deal with every person and this is how God has revealed Himself to me. Let me know about your principles and ideas too and maybe I can learn new things from them. Thank you for reading and God bless You.

And and this song is one of my Favorite Love Songs 🙂

Advertisements

One thought on “Call Me: A Man Without a Woman

  1. Pingback: Call Me: Single | ALL THINGS RENEWED

What's on your mind?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s